Back to list
evacuation notice news Barangay Urgent

Mahigit 40 Pamilya mula sa Brgy. Bagong Sikat Inilikas Dahil sa Matinding Pagbaha

July 18, 2025 ยท 2:35 PM Barangay Bagong Sikat Bagong Sikat
Mahigit 40 pamilya o nasa 200 indibidwal mula sa Brgy. Bagong Sikat ang inilikas sa Occidental Mindoro Sports Complex matapos maapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng Habagat at Bagyong CrisingPH.
Tinatayang nasa mahigit sa 40 pamilya na kinabibilangan ng nasa 200 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa Occdental Mindoro Sports Complex sa bayan ng San Jose ngayong araw, ika-18 ng Hulyo taong kasalukuyan dahil sa biglaang pagragasa ng tubig-baha sa Purok Patterson at Purok Bahayang San Jose sa Barangay Bagong Sikat sa bayan ng San Jose.

Ang ating Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng ating Gobernador Eduardo B. Gadiano ay patuloy na nakatutok sa kalagayan ng ating mga kababayang naapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng Habagat na pinalakas ng Bagyong CrisingPH. Sa Occidental Mindoro Sports Complex ay agad inasikaso ng ating PGO SAMARICA Executive Assistant II June V. Lee at mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) - SAMARICA sa pag gabay ni Ms. Maritoni Ventura - Team Leader PDRRMO SAMARICA ang mga pamilyang nag evacuate mula sa sitio Patterson at sitio Bahayang San Jose, agad na naglagay ng mga modular tents ang mga kawani ng PDRRMO at nagkaloob ng pagkaing maaring lutuin upang maibsan ang gutom at lamig ng mga nasaklolong mga indibidwal.

Todong asikaso din ang mga kawani at opisyales ng Barangay Bagong Sikat sa pangunguna ni Bagong Sikat Barangay Captain Abelardo Sunga kasama ang ilang mga kagawad na nagbibigay ng tulong at pag alalay sa kanilang mga kabarangay, katuwang ang mga Barangay Health Workers ng Bagong Sikat ay sinisigurong naitatala ng maayos ang bilang ng ating mga evacuees at naibibigay ang kanilang pangunahing pangangailangan. Ang ating mga kawani ng Provincial Government of Occidental Mindoro (PGOM) ay patuloy na naka antabay para sa iba pang mga ulat at nagnanais na mairescue at maidala sa mga evacuation centers gamit ang ating mga sasakyan at makinarya mula sa PDRRMO at Provincial Equipment Pool Office (PEPO) at Provincial Engineering Office (PEO) at MDRRMO San Jose.

๐‘บ๐’†๐’“๐’ƒ๐’Š๐’”๐’š๐’๐’๐’ˆ ๐‘ฎ๐’‚๐’๐’‚๐’…๐’!
๐‘ฎ๐’‚๐’๐’‚๐’…๐’ ๐’๐’‚, ๐‘ฎ๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’‘๐’‚!