Back to list
safety advisory announcement Barangay

MDRRMO at Municipal Engineering Office Nagsagawa ng Paglilinis ng Box Culvert sa Barangay Bagong Sikat

July 1, 2026 · 1:00 PM Barangay Bagong Sikat Bukid Zone, Barangay Bagong Sikat, San Jose, Occidental Mindoro
Nagsagawa ang MDRRMO at Municipal Engineering Office ng clearing operation sa box culvert ng Bukid Zone, Barangay Bagong Sikat upang mapanatili ang maayos na daloy ng tubig at maiwasan ang pagbaha.
MDRRMO AT MUNICIPAL ENGINEERING OFFICE NAGSAGAWA NG AKTIBONG PAGLILINIS NG BOX CULVERT SA BARANGAY BAGONG SIKAT
Bilang bahagi ng patuloy na paghahanda ng Pamahalaang Bayan ng San Jose laban sa mga kalamidad, nagsagawa ng aktibong clearing operation ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) katuwang ang Municipal Engineering Office (MEO) sa pamamagitan ng Motorpool Section, sa pangunguna ni Motorpool Chief Mechanic Cristopher Alvarado, sa box culvert ng Bukid Zone, Barangay Bagong Sikat.

Layunin ng isinagawang operasyon na alisin ang naipong mga troso, sanga ng puno, mga sanga at dahon (twigs), kawayan, at iba pang mga debris na bumara sa box culvert bunsod ng mga nagdaang pag-ulan. Sa tulong ng heavy equipment at sama-samang pagkilos ng mga tauhan ng MDRRMO, Municipal Engineering Office, at Motorpool Section, matagumpay na naalis ang mga nakaharang upang muling maging malaya ang daloy ng tubig.

Isinagawa ang gawaing ito bilang preventive at mitigation measure upang maiwasan ang pagbaha, lalo na sa inaasahang pagtaas ng lebel ng tubig dulot ng patuloy na epekto ng Low Pressure Area (LPA) at ng mga posibleng susunod pang sama ng panahon.

Patuloy na magsasagawa ang MDRRMO ng monitoring at clearing operations sa iba pang mga kritikal na daluyan ng tubig sa buong bayan bilang bahagi ng kanilang layunin na mapanatiling ligtas ang mamamayan at mabawasan ang epekto ng mga kalamidad.

Hinihikayat din ang publiko na makiisa sa pagpapanatiling malinis ng ating mga ilog, sapa, kanal, at iba pang daluyan ng tubig sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura at agarang pag-uulat ng mga baradong culvert at drainage system sa kinauukulang tanggapan.

Sa pamamagitan ng maagap na pagkilos at sama-samang pagtutulungan, mas mapapalakas natin ang kahandaan ng ating komunidad laban sa mga panganib ng pagbaha at iba pang kalamidad.

#MDRRMOSanJose
#MunicipalEngineeringOffice
#MotorpoolSection
#ProactivePreparedness
#FloodMitigation
#OneTeamOneVoiceOneSanJose
#SaBayangAngatMamamayanAyLigtasAtProtektado