safety advisory
announcement
Barangay
Urgent
Coastal & River Monitoring
August 18, 2026 · 6:00 AM
Barangay Bagong Sikat
Bagong Sikat
Patuloy ang coastal at river monitoring ng MDRRMO San Jose upang mapanatili ang kaligtasan ng mga komunidad sa mga mabababang lugar.
Noong Agosto 18, 2026, nagsagawa ang MDRRMO San Jose ng monitoring sa Pinamanaan Bridge, Bukidzone Box Culvert, Brgy. Bubog, Brgy. Poblacion 5, at Bahayang San Jose sa Brgy. Bagong Sikat. Pinapayuhan ang mga residenteng malapit sa ilog at dagat na manatiling alerto, iwasang tumawid sa baha o malalim na agos, at sumunod sa mga abiso ng awtoridad.