Back to list
safety advisory news Barangay Urgent

Malakas na Daloy ng Tubig-Baha Patuloy na Nararanasan sa Sitio Paterson, Brgy. Bagong Sikat

September 16, 2024 ยท 3:00 PM Barangay Bagong Sikat Bagong Sikat
Patuloy ang malakas at lagpas-tuhod na baha sa Sitio Paterson na nagdudulot ng panganib sa mga residente at motorista.
๐Œ๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐๐€ ๐ƒ๐€๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐“๐”๐๐ˆ๐†-๐๐€๐‡๐€ ๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐๐€๐‘๐€๐‘๐€๐๐€๐’๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐“๐€๐†๐€ ๐’๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž ๐๐€๐“๐„๐‘๐’๐Ž๐ ๐’๐€ ๐๐‘๐†๐˜. ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐’๐ˆ๐Š๐€๐“ - ๐’๐€๐ ๐‰๐Ž๐’๐„

Malakas pa rin ang daloy ng tubig-baha na sitio Paterson sa Brgy. Bagong Sikat sa bayan ng San Jose ngayong ika-16 ng Setyembre taong kasalukuyan dala ng umaapaw na tubig mula sa kalapit na ilog papunta sa mga kabahayan ng nasabing lugar.

Nanatili pa ring malakas ang daloy ng tubig-baha mula sa kalapit na ilog sa Sitio Paterson na nagdudulot ng panganib sa ating mga kababayan at motorista na patuloy na dumadaan sa nasabing lugar. Hirap pa rin ang ating mga motoristang naka motor at scooter na dumadaan sa nasabing lansangan na isa sanang daan patungo ng Occidental Mindoro State College - Labangan Campus.

Halos lagpas tuhod pa ring ang taas ng tubig-baha na patuloy na pumapasok sa loob ng mga kabahayan ng nasabing lugar kung kayaโ€™t nanatili pa rin sa mga evacuation centers ang ilang mga residenteng inilikas mula sa nasabing lugar sa barangay Bagong Sikat.

Patuloy pa rin ang paalaala ng ating Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng ating Gobernador Eduardo B. Gadiano ng ibayong pag iingat at ang pananatiling kalmado sa mga ganitong sitwasyon, maaring humingi ng tulong sa ating mga kawani ng PDRRMO na bente-kwatrong oras na nakatutok at handang tumulong sa ating mga kababayan.