Back to list
safety advisory news Barangay Urgent

Situational Report: Patuloy na Pagbaha sa Ilang Bahagi ng San Jose

September 27, 2025 · 3:00 PM Barangay Bagong Sikat Bagong Sikat
Patuloy na lubog sa baha ang ilang lugar sa San Jose, kabilang ang Sitio Sta. Monica, Bahayang San Jose, at Bukid Zone.
As of 3:00 PM noong September 27, 2025, patuloy na nararanasan ang malalim na pagbaha sa ilang bahagi at barangay ng San Jose dulot ng malalakas na pag-ulan na dala ng Bagyong OpongPH. Halos pumapantay na sa national highway ang tubig-baha, habang malalim pa rin ang baha sa Sitio Sta. Monica, Sitio Bahayang San Jose, at Bukid Zone sa pagitan ng Brgy. Bagong Sikat at Brgy. Labangan, na nagpapahirap sa paglabas ng mga residente patungo sa highway.