evacuation notice
news
Barangay
Urgent
Mahigit 200 Indibidwal mula sa Barangay Bagong Sikat Inilikas Dahil sa Pagbaha
September 14, 2024 · 3:00 PM
Barangay Bagong Sikat
Bagong Sikat
Mahigit 200 indibidwal mula sa Brgy. Bagong Sikat ang inilikas sa mga evacuation centers dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig-baha.
Mahigit 200 indibidwal mula sa Barangay Bagong Sikat, San Jose, Occidental Mindoro ang inilikas matapos biglang tumaas ang tubig-baha mula sa mga kalapit na ilog. Umabot sa 63 pamilya mula sa Sitio Bahayang San Jose at Paterson ang nailikas sa Occidental Mindoro Sports Complex at San Jose National High School, habang patuloy ang rescue operations ng mga opisyal at tauhan ng barangay. Inaasahang madaragdagan pa ang mga evacuee dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan, kaya hinihiling ang karagdagang tulong para sa pagkain at tubig.