evacuation notice
news
Municipal
Urgent
85 Pamilya o 308 Indibidwal, Nasa Evacuation Centers Dahil sa Patuloy na Pagbaha
July 19, 2025 · 4:00 PM
MDRRMO Admin · System Administrator
Umabot na sa 85 pamilya o 308 indibidwal ang nasa evacuation centers dahil sa patuloy na malakas na ulan at pagtaas ng tubig-baha dulot ng Bagyong Crising.
Sa patuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan, umabot na sa walumput limang (85) pamilya o tatlong daan at walo (308) indibidwal ang nasa evacuation centers mula sa mga Barangay ng Camburay, Mapaya, Bubog, Bagong Sikat at Mabini.
Agad na nagbigay ng kanyang atas si Mayor Rey Cajayon Ladaga kay Ms. Alice M. Cajayon, MSWDO para sa food packs distribution.
Inaasahang madadagdagan pa ang bilang ng mga evacuees sa patuloy na pagtaas ng tubig baha dulot ng bagyong Crising.
Pinaalalahanan din ni Mayor Ladaga na magtungo na sa mga designated evacuation centers kung kinakailangan. Kalakip din nito ang kanyang panawagan na maging maingat at mapagmatyag ang lahat.