Back to list
safety advisory announcement Municipal

San Jose LGU, Patuloy ang Pagbuo ng CCCM at MDRRM Plan for Health

July 22, 2026 · 4:02 PM MDRRMO Admin · System Administrator
Patuloy ang pagpupulong ng MDRRMO, MHO, at MSWD para sa pagpaplano ng maayos na evacuation camp management at disaster health response.
Patuloy ang isinasagawang pagpupulong para sa pagbalangkas ng Camp Coordination and Camp Management (CCCM) Plan at pagrebisa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRM) Plan for Health ang Lokal na Pamahalaan ng San Jose sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), katuwang ang Municipal Health Office (MHO) at Municipal Social Welfare and Development (MSWD).

Kahapon, July 22, 2026, ang barangay ng Ansiray, Ipil at Buri ang pinuntahan ng grupo upang magbahagi ng mga estratehiya sa pamamahala ng mga evacuation camp, pagtukoy sa mga tungkulin ng bawat ahensiya at koordinasyon, at mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan, kalusugan at kapakanan ng mga evacuues.