road closure
news
Municipal
Urgent
Malawak na Pinsala sa Bukirin at Kalsada Dulot ng Pag-apaw ng Bato-Ili River
August 19, 2026 ยท 4:11 PM
MDRRMO Admin ยท System Administrator
Monte Claro
Malawak na pinsala sa mga bukirin at bahagi ng kalsada sa Barangay Monteclaro ang dulot ng malakas na agos at pag-apaw ng Bato-Ili River.
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐.
Malawak na pinsala sa mga bukirin at bahagi ng kalsada ang idinulot ng pag-apaw ng ilog sa Sitio Bato-Ili, Barangay Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro, kasunod ng ilang araw na pag-ulan.
Ayon sa ulat ng Municipal Information Office (MIO) ng San Jose, unti-unting inanod ng malakas na agos ng tubig ang bahagi ng palayan. Ayon din kay Jun Doitas, isang magsasaka sa lugar, ngayon lamang sila nakaranas ng ganitong kalawak na pagguho at pag-apaw ng ilog.
Bukod sa palayan, naapektuhan din ang bahagi ng isang kalsada matapos gumuho at maanod ang ilang bahagi nito dahil sa malakas na agos ng tubig.
Nakahanda na rin ang mga heavy equipment ng lokal na pamahalaan ng San Jose para sa kinakailangang intervention. Gayunman, hindi pa agad maisasagawa ang rechanneling at pagkukumpuni habang malakas pa ang agos ng tubig.
Patuloy namang mino-monitor ng mga lokal na opisyal ang sitwasyon dahil nananatiling malakas ang daloy ng tubig sa ilog at inaasahan pa ang pag-ulan dulot ng habagat sa Occidental Mindoro.